NAKITAAN na rin ng pagtaas ng kaso ng dengue ang Cordillera Administrative Region (CAR) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay bukod pa sa ibang rehiyon na una nang iniulat ng Department of Health (DOH) na may pagtaas ng dengue cases.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit nilang minomonitor ang nasabing mga lugar.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Vergeire na mayroong nakitaang pagtaas ng dengue infections sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas at Davao Region.
Gayunpaman, iginiit nito na sa kabila ng pagtaas ng dengue cases kamakailan sa bansa ay mas mababa pa rin ang weekly reported dengue cases sa bansa ngayong taon kumpara noong 2021.