Ilang matataas na opisyal ng PhilHealth-NCR, kinasuhan ng NBI sa Ombudsman

Ilang matataas na opisyal ng PhilHealth-NCR, kinasuhan ng NBI sa Ombudsman

PORMAL nang naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang National Bureau of Investigation-Anti-Graft Division laban sa ilang mga opisyales ng PhilHealth Regional Office-National Capital Region (NCR) Accreditation Committee kaugnay sa Health Care Provider accreditation renewal.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Dr. Nenita Epifania balbuena; Dr. Imelda Trinidad de Vera-PE; Dr.Janice Gem Perlas; Dr. Rofien Ison; Diode Lantora; Atty. Yasser Ismail Abbas; Allan de Villa; Dr. Alejandrino Perez; Jeffrey Pe, Dennis Mas; at Dr. Celestina Ma. Jude dela Serna.

October 2016, nakatanggap ng liham ang complainant mula kay Dennis Mas na vice president ng PhilHealth-NCR.

Sinabi sa liham na ang application ng naturang complainant para sa re-accreditation ay hindi nakapasa sa PRO-NCR Accreditation Sub-Committee dahil sa pagkakaiba-iba o inconsistency sa quality of care ng kumpanya.

Dahil diyan ay nagreklamo ang biktima sa NBI noong May 2017 at hiniling na imbestigahan ang usapin.

Ngunit July 2017, binawi ng complainant ang kanyang reklamo makaraan siyang pinangakuan ng Interim/Officer-In-Charge, President at CEO ng PhilHealth na si Dr. Celstina Ma. Jude dela Serna na aaprubahan lang ang kanyang aplikasyon kapalit ng pagbawi sa reklamo laban sa mga opisyal.

Pero September 2020, hiniling nito na buhayin muli ang kanyang reklamo dahil hindi tinupad ng PhilHealth ang usapan o pangako.

Ang mga akusado ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 3 ng RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Follow SMNI News on Twitter