DOH, umaasa sa posibilidad na hindi na global health concern ang COVID-19 sa 2023

DOH, umaasa sa posibilidad na hindi na global health concern ang COVID-19 sa 2023

DAHIL sa pagbaba ng fatality rate dahil sa COVID-19, umaasa ang World Health Organization (WHO) na sa susunod na taon ay maari na nilang maideklara na hindi na global health concern ang COVID-19.

Ayon kay WHO Director General Dr. Tedros Adhanom Ghebreysus noong nakaraang linggo ay nasa 10, 000 lamang ang naitalang nasawi dahil sa virus.

Punto nito na noong nakaraang taon, nasa 50,000 ang binabawian ng buhay kada lingggo.

“At this time a year ago, COVID-19 was killing 50,000 people a week.  Last week, less than 10,000 people lost their lives,” saad ni Dr. Tedros Adhanom Ghebreysus, Director-General, WHO.

“There is still a lot that all countries can do to save lives. But we have come a long way.  We are hopeful that at some point next year we will be happy to say that COVID 19 is no longer a global health emergency,” aniya pa.

Ang DOH, umaasa rin na ito na nga ang magiging sitwasyon sa susunod na taon lalo pa’t kayang kaya na ng bansa ang pangangasiwa o pag manage sa COVID-19 situation.

Ayon kay DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergerie, mas alam na rin ng mga Pilipino pangalagaan ang kanilang mga sarili para maiwasan ang virus kung ikukumpara noong mga nakaraang taon.

That’s very hopeful that the WHO, is already stating this kind of. This is hopeful because in this country, we are also seeing that the cases are being more and more manageable. Our health care capacity is well prepared than the previous. Our people are more accepting the situation, compared before, knows how to protect themselves,” pahayag ni Usec. Maria Rosario Vergerie, OIC, DOH.

Nanindigan naman ang health top official na hindi na mawawala ang virus at inaasahan na nila na maaring tataas at bababa ang mga kaso nito sa bansa.

Pero sa kabila nito, walang dapat aniyang ipag-alala ang publiko lalo na kung kayang-kaya naman ng ating health care system ang pagdami ng mga tinatamaan ng sakit.

Ayon kay Vergerie, hihintayin nila ang pinal na pahayag sa WHO hinggil sa COVID-19.

Kung maidedeklara aniya ng WHO na hindi global health concern ang COVID-19 sa taong 2023 ay tatalima aniya dito ang kagawaran.

Samantala sinabi ng WHO na ang criteria sa pagdedeklara ng katapusan ng global health emergency ay pag-uusapan sa Enero kasama ang Emergency Committee.

Sinabi rin ni Ghebreyesus, na hindi na mawawala ang virus at kailangan aniya matutunan na mamanage ito gaya ng ibang sakit tulad ng influenza at respiratory syncytial virus.

Follow SMNI NEWS in Twitter