DOJ, dumipensa kung bakit wala pang naisampang murder case vs Cong. Teves

DOJ, dumipensa kung bakit wala pang naisampang murder case vs Cong. Teves

NAGPALIWANAG at dumipensa ang Department of Justice (DOJ) kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasampahan ng kaso si suspended Congressman Arnolfo Teves, Jr. kaugnay sa pagpatay umano kay Governor Roel Degamo.

Aminado si Justice Secretary Crispin Remulla na talagang natatagalan ang paghahain ng kaso dahil bahagi aniya ito ng umiiral na due process.

Kasabay rito ay nanawagan si Remulla sa mga kritiko na huwag maiinip dahil ang trabaho aniyang ito ay talagang kailangan ng tiyaga at pasensiya.

Iginiit pa ni Remulla na ang paghahain ng murder case laban kay Teves ay wala naman sa kaniyang poder dahil ito ay nakadepende sa panel of prosecutors na may hawak sa mga naunang inihaing reklamo laban kay Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter