PAREHONG may hamon sa dalawang panahon sa bansa, ang tag-ulan at tag-init.
Ito ang inihayag ni House Committee on Basic Education Chairman Roman Romulo kaugnay sa pagsuspinde ng face to face classes at pag-shift sa distance learning ngayong tumitindi ang nararanasang init ng panahon.
Binigyang-diin naman ni Cong. Romulo na mas nagkakaroon ng kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral kung ito ay face to face.
Sinabi pa ng kongresista na kailangan nang maging praktikal ang mga guro sa pagbibigay ng aktibidad sa mga mag-aaral.
Kalusugan para sa mga mag-aaral at mga guro lang aniya ang pinakamahalagang kinokonsidera sa pagtatakda ng academic calendar sa bansa.