DOJ, iginiit na protektado ng warlord sa ibang bansa si dating Cong. Teves

DOJ, iginiit na protektado ng warlord sa ibang bansa si dating Cong. Teves

KUMBINSIDO ang Department of Justice (DOJ) na nasa Timog Silangang Asya pa rin si dating Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na ito ay base umano sa impormasyong ibinigay sa kaniya bunsod ng patuloy na monitoring sa kinaroroonan ng kongresista na pangunahing suspek sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nakatanggap din umano siya ng impormasyon na pinoproteksiyonan ngayon si Teves ng ilang “warlord” sa bansang pinagtataguan nito.

Samantala, isinasapinal na aniya ng DOJ ang liham na isusumite sa United Nations kaugnay sa kinahaharap na warrant of arrest ni Teves at sa tulong ng mga miyembrong bansa ng UN ay maaaresto na si Teves.

Follow SMNI NEWS on Twitter