DOJ, lilikha ng task force para imbestigahan ang onion smuggling

DOJ, lilikha ng task force para imbestigahan ang onion smuggling

LILIKHA ng anti-agricultural smuggling task force ang Department of Justice (DOJ) para sa kanilang gagawing imbestigasyon kaugnay sa onion smuggling sa bansa.

Ito ay pagkaraang ipag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ahensiya na magsagawa ng masusing imbestigayon para dito.

Ayon sa DOJ, makikipagtulungan ito sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) para sa gagawing pruweba.

Magkakaroon din ng special team of prosecutors na pangunahing nakatutok sa agricultural sector hindi lamang sa onion industry.

 “Together with these agencies, the department will create an anti-agricultural smuggling task force along with a special team of prosecutors primarily focused on protecting the entire agricultural sector, not only the onion industry,” pahayag ng DOJ.

Ang bubuo ng naturang task force ay ang Office of the Prosecutor General na pinangungunahan ni Chief State Prosecutor Richard Fadullon, at ang National Bureau of Investigation (NBI) na pinangangasiwaan naman ni Director Medardo de Lemos.

Ang grupo ng mga imbestigador ay mangongolekta ng mga ebedensiya, magsasagawa ng mga panayam at mag-aanalisa ng mga datos para ma-uncover ang mga smuggling networks sa Pilipinas.

“Our team of investigators will be working to collect evidence, conduct interviews, and analyze data to uncover the intricate web of onion smuggling networks,” ayon sa DOJ.

Malinaw aniya ang kanilang layunin, ang ma-dismantle ang smuggling at mapanagot ang mga responsable sa ilegal na aktibidad.

Kaisa aniya sila ni Pangulong Marcos sa hangarin na matuldukan na ang issue ng oil smuggling sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng maingat na case build up ang DOJ laban sa mga indibidwal at organisasyon na sangkot sa smuggling ng sibuyas para sila ay mapanagot.

“Department is diligently conducting its case build up against individuals and organizations involved in onion smuggling. Once these cases are ready, the DOJ will file charges, ensuring that those responsible face the full force of the law,” dagdag ng DOJ.

Ang imbestigasyon ng DOJ ay para sa paglabag sa Republic Act No. 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016), at iba pa.

Target ng batas na ito ang illegal importation ng mga agri-products at pagpapataw ng matinding parusa sa mga nagkasala.

Maliban dito, tinutukan din ng DOJ ang mga krimen tulad ng hoarding, profiteering, at smuggling na itinuturing bilang economic sabotage.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter