DUMISTANSIYA ang Department of Justice (DOJ) sa isyu ng raid na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bahay ni Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Tevez Jr.
Sinalakay ng CIDG ang isa sa mga bahay base sa bisa ng search warrant na inisyu ng Mababang Hukuman.
Nakumpiska doon ang mga pistol, long firearm at mga bala.
Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na malinis ang raid at lehitimo ang police operation dahil sa kautusan ng korte.
Bukod diyan ay tumanggi nang magkomento o magdagdag pa ng detalye ang kalihim dahil nagpapatuloy pa aniya, ang imbestigasyon kay Tevez.