NAGBUKAS ng 54 na bagong karagdagang trabaho ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga mahihirap na estudyante sa Oriental Mindoro.
Ayon kay DOLE-Oriental Mindoro Giselle Castro, binuksan ang pansamantalang trabaho para sa mga senior high school at college students na nangangailangan ng trabaho para sa kanilang pag-aaral.
Sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES), ang mga benepisyaryo mula Bulalacao na naapektuhan kamakailan ng oil spill ay makakukuha ng P455.18 kada araw.
Ang 60% sa sahod ng mga estudyante ay sasagutin ng local government unit (LGU) habang ang 40% ay sasagutin naman ng DOLE.
Samantala, binuksan din ang SPES para sa out-of-school-youths o sa talagang gustong makapag-aral.
Sa ngayon, nakapagtala ang Oriental Mindoro ng 721 na SPES beneficiaries.