DOLE, pumirma ng kasunduan sa PCUP

DOLE, pumirma ng kasunduan sa PCUP

PUMIRMA ng kasunduan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) upang pag-ugnayin ang kanilang mga pagsisikap sa pagbibigay ng access sa kabuhayan at mga oportunidad sa trabaho sa mga urban poor groups.

Ayon kay PCUP chairman Elpidio Jordan Jr. nagkasundo ang dalawang ahensya na selyuhan ang kasunduan pagkatapos ng virtual meeting kasama si DOLE Workers’ Welfare and Protection Cluster Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay at Labor Employment Officer Erickson Mag-isa.

Ani Jordan ito’y upang masolusyunan ang kahirapan ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa ating mga maralita sa trabaho at kabuhayan.

Samantala ang tema ng “Urban Poor Solidarity Week” (UPSW) ngayong taon na “The PCUP and the Urban Poor Sector: Together Meeting the Challenge of the New Age,” ay mandato ng ahensya na suportahan ang mga hakbangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Follow SMNI News on Twitter