DOT, umaasang magkakaroon muli ng proyekto ang “Survivor Israel” sa bansa

DOT, umaasang magkakaroon muli ng proyekto ang “Survivor Israel” sa bansa

UMAASA ang Department of Tourism (DOT) na muling magkakaroon ng proyekto ang “Survivor Israel” sa Pilipinas.

Sa pag-uusap ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, inilahad nito na ang film tourism ay isa mga produktong prayoridad ng DOT.

Kaya umaasa si Frasco na may mga follow-through project ang “Survivor Israel”, isang reality TV show na nag-shoot ng ilang season sa mga beach ng Caramoan.

Kabilang din sa mga tinalakay ng dalawang opisyal ay ang iminungkahing paglulunsad ng mga flight sa pagitan ng Maynila at Israel.

Nagpahayag naman si Ambassador Fluss ng interes na lumahok sa mga consumer activation activities sa Pilipinas sa iba pang mga proyekto na hino-host ng DOT.

Follow SMNI NEWS in Twitter