Drilon, ipinahihinto ang pagbili ng medical supplies sa PPC

Drilon, ipinahihinto ang pagbili ng medical supplies sa PPC

IPINAHIHINTO na ni Senator Franklin Drilon ang pagbili ng medical supplies sa kumpanyang may overpricing sa face masks at PPEs.

Ang nasabing kumpanyang tinutukoy ni Drilon ay ang Pharmally Pharmaceutical Corporation, isang maliit na kumpanya at wala pang anim na buwang naitatatag ito nang nakipag-transaksyon ang Department of Budget and Manangement (DBM) dito.

Hindi umano makatarungan ayon sa senador na bibilhan pa rin ito ng face masks, PPEs at COVID-19 test kits habang iniimbestigahan.

Batay sa paunang imbestigasyon sa DOH, mula sa kumpanyang nabanggit ang overpricing ng medical supplies batay sa purchase order na ipinakita ng procurement service ng DBM.

Aabot naman sa 8.67 Billion pesos ang halaga ng medical supplies na binili ng PS-DBM mula sa Pharmally.

 

SMNI NEWS