Nagdulot ng pinsala sa mga kabahayan at isang gusali ng United Nations (UN) ang drone attack sa Sudan, partikular sa kabisera nitong Khartoum, noong Nobyembre 22.
Nagsimula ang mga pagsabog bandang alas-2 hanggang alas-4:30 ng madaling araw at sinasabing inilunsad ang mga drone mula sa Ethiopia.
Mariing itinanggi naman ng Ethiopia ang mga paratang na tumutulong ito sa paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF), na nakikipagdigma sa hukbo ng Sudan mula Abril 2023.
Wala pang iniulat na bilang ng mga nasawi o nasugatan mula sa naturang pag-atake.
Tinatayang mahigit 20 libong katao na ang namatay sa nagpapatuloy na digmaan sa Sudan, na nagdulot din ng matinding krisis sa pagkain at malawakang paglikas.
