Drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, phenomenal – Atty. De Alban

Drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, phenomenal – Atty. De Alban

SA ikalawang episode ng SUKATAN sa SMNI, Senatorial Interview, aminado ang independent senatorial aspirant na si Atty. Angelo De Alban, na tagumpay ang drug war campaign ng Duterte Administration.

Sa katunayan, “Phenomenal” aniya kung ituring ang nasabing kampanya ni dating Pangulo Rodrigo Duterte sa pagsugpo sa problema ng ilegal na droga sa bansa.

Bagama’t hindi man aniya perpekto pero nakagawa ito ng batayan para matakot ang mga kriminal at mga sangkot sa pagbebenta, pagbili at iba pang-uri ng transaksiyon sa ilegal na droga.

Bukod kay De Alban, pabor rin ang senatorial aspirant na si dating Defense Secretary Norberto Gonzales sa paraan ng pagsugpo sa paglaganap ng ilegal na droga sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Parehong sumalang sa Sukatan, Kakasa Ka Ba? Senatorial Interview ng SMNI sina Atty. De Alban at Former Defense Chief Gonzales.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble