DSWD, CFDC, maglulunsad ng nationwide nutrition program sa mga batang 3 taong gulang

DSWD, CFDC, maglulunsad ng nationwide nutrition program sa mga batang 3 taong gulang

MAGLULUNSAD ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Children’s First One Thousand Days Coalition (CFDC) ng isang nationwide nutrition intervention program.

Layunin nito na tugunan ang malnutrisyon at stunting sa mga batang Pilipino hanggang 3 taong gulang.

Una nang binanggit ni Gatchalian ang community-driven approach sa pagtugon sa malnutrisyon sa unang 100 araw ng mga sanggol sa pamamagitan ng nutrition specific at nutrition sensitive programs.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP), Food Stamp Program (FSP) at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay kabilang sa mga programa ng DSWD na idinisenyo upang tumulong sa pagtugon sa malnutrisyon at stunting sa mga batang Pilipino.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno, partikular ang DSWD, DILG, DOH, at pribadong sektor para sa nationwide nutrition intervention program.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter