PINANGUNAHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo at DSWD NCR Regional Director Monina Josefina H. Romualdez, ang pamamahagi ng food packs na tulong sa mga biktima ng sunog sa Pasay City.
Nagbigay ang DSWD ng 350 family food packs at 350 kitchen kits para sa mga pamilyang naapektuhan ng nangyaring sunog noong August 24, 2022, sa E. Rodriguez, Barangay 144, Pasay City.
Nagbigay rin ng Php 5,000.00 financial assistance ang ahensya sa pamamagitan ng Crisis Intervention Section para sa nabanggit na apektadong pamilya ng sunog.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Pasay City LGU’s at mga biktima ng sunog na nawalan ng tirahan sa kalihim ng DSWD na si Secretary Erwin Tulfo.