HINDI makatatanggap ang lahat ng mga estudyante na lumagda sa educational assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa isang pahayag, nilinaw ni DSWD spokesperson Romel Lopez na aabot lamang sa 400,000 na mga mag-aaral ang kayang maabotan ng P1.5 bilyong pondo ng programa.
Sa ngayon, umabot na sa dalawang milyong estudyante ang nagparehistro ngunit idadaan pa rin ito sa matinding pagbusisi upang mapatunayan na karapat-dapat silang mabigyan ng ayuda.
Sinabi rin ni Lopez na nakapagpalabas na ang DSWD ng P249 milyong tulong habang P900 milyong pondo na lamang ang natitira.
Kabilang naman sa mga isinasaprayoridad ng DSWD ay ang mga anak ng single parent, poor households, magsasaka, mangingisda at mga indibidwal na gustong sumali sa 4Ps.
Isasali rin ng DSWD ang mga wala sa listahanan lalo na sa mga marginalized at mga vulnerable sectors ng sosyodad.