DTI, kukumpiskahin ang mga ibinibentang lato-lato sa merkado

DTI, kukumpiskahin ang mga ibinibentang lato-lato sa merkado

NAGBABALA ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na kukumpiskahin ang mga itinitindang nauusong laruan o lato-lato sa merkado.

Ayon kay DTI Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo, hindi dumaan sa tamang pagsusuri ang nasabing laruan.

Wala rin aniyang Certificate of Product Notification (CPN) ang mga nabibiling produkto na posibleng mapanganib sa kalusugan.

Punto pa ng opisyal, tutulong sila sa pagkukumpiska ng nasabing laruan na inaasahang sisimulan ngayong linggo.

Matatandaang, una na ring naglabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at paggamit ng hindi awtorisadong produkto na pro-clackers o lato-lato na may ilaw.

Paliwanag ng FDA, walang certificate of registration ang produkto at hindi umano ito dumaan sa proseso nila.

Posible umano na substandard ang ginamit na materyales sa produkto na magdulot ng peligro sa mga gagamit nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter