NAGHAHANDA na ang Department of Trade and Industry (DTI) na ilunsad ang isang programa sa pagpapautang para sa maliliit na negosyante.
Ang naturang programa ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng mga e-wallet platform bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na palaguin ang mga negosyo.
Inaasahan na magbibigay ito ng mas madaling opsyon para sa mga negosyante upang makakuha ng pautang nang hindi dumaranas ng abala.
Partikular naman itong nakatuon sa mga sari-sari store at palengke.
Sa pahayag ng ahensiya, ang launching ng programa ay inaasahang magaganap sa Abril.