Durant, pinangunahan ang panalo ng Phoenix Suns vs Dallas Mavericks

Durant, pinangunahan ang panalo ng Phoenix Suns vs Dallas Mavericks

PINANGUNAHAN ni Kevin Durant ang pagkapanalo ng Phoenix Suns sa naging mainit na laban nito kontra sa Dallas Mavericks na pinangunahan naman ni Luka Doncic sa Western Conference ng NBA.

Nagpaulan si Durant ng 37 points para sa laban nito sa Mavericks na nagtapos sa iskor na 130-126.

Nagawa pang maka-iskor ni Durant sa natitirang huling 12 segundo ng laban bago ito makapagdagdag ng 2 free throws upang tuluyang tapusin ang laro.

Nakapagtala naman si Devin Booker ng double-double performance na may 36 points at 10 rebounds.

Para naman sa Mavericks, nakapagtala si Doncic ng 34 points habang nag-ambag naman si Irving ng 30 points.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter