Duterte, wala pa ring napipiling presidential candidate na susuportahan sa 2022 elections — Sen. Go

INIHAYAG ni Senator Christopher Bong Go na hanggang ngayon ay wala pa ring napipiling presidential candidate si Pangulong Rodrigo Duterte (PRRD) na susuportahan sa 2022 elections.

Ayon kay Go, ayaw munang pag-usapan ng Pangulo ang pulitika dahil sa hinaharap na krisis ng bansa dulot ng bagyong Odette at COVID-19.

Sa ngayon aniya ay abala pa si Pangulong Duterte sa pagbibigay ng tulong sa mga pinadapa ng Bagyong Odette.

Sa kabila nito. umaasa si Go na bago pa magsimula ang campaign period ay mayroon ng mapupusuan ang presidente para maikampanya ito.

Tiniyak naman ni Go na sinuman ang irereto ni Pang. Duterte ay ito rin ang kaniyang susuportahan sa darating na halalan.

 

Follow SMNI NEWS Twitter