E-commerce na Amazon magtatayo ng data centers sa Chile

E-commerce na Amazon magtatayo ng data centers sa Chile

NAGLAAN ang e-commerce company na Amazon ng 4 billion dollars para maitayo ang kanilang unang data centers at iba pang cloud infrastructures sa Chile.

Inaasahan na magiging operational ang cloud region na ito sa Chile sa ikalawang bahagi ng 2026.

Sa isang panayam, sinabi ng Amazon Web Services (AWS) naibigay na ang lahat na kinakailangang permits para sa proyekto.

Inaasahan namang magbibigay ito ng malaking computing power para sa mga serbisyo tulad ng generative AI.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble