NAKIISA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw.
Alas-9 ng umaga nang patunugin ang sirena bilang hudyat para mag-duck, cover at hold.
Sabay-sabay itong ginawa sa iba’t ibang yunit at tanggapan sa loob ng kampo ng militar sa pangunguna ng Office of Civil Defense (OCD).
Tampok sa earthquake drill ang paghahanda sa tsunami bilang bahagi ng World Tsunami Awareness.
Nabatid na ito ang ikalawang pagkakataon na face-to-face ang earthquake drill mula nang magsimula ang pandemya.