Miss International, naglabas ng mobile app para lalong lalakas ang engagement ng pageant

Miss International, naglabas ng mobile app para lalong lalakas ang engagement ng pageant

NAGLABAS ng mobile app ang Japan-Based Miss International Pageant upang mas mapalakas ang engagement nito sa pagitan ng kanilang followers.

Ayon kay Miss International Pageant Marketing Manager Stephen Diaz, itoy dahil 60 – 70 percent sa followers ay Smartphone users at mas pipiliin ng mga ito ang mai-access ang impormasyon hinggil sa pageant sa pamamagitan ng kanilang mobile phones.

Dahil dito, aniya, maaari nang gamitin ang app para sa web voting ng pageant na magsisimula sa November 30.

Ang app ay libreng mai-download mula sa Google play store para sa Android users at app store para sa Apple users.

Ang coronation night ng Miss International 2022 ay isasagawa ngayong December.

Follow SMNI NEWS in Twitter