Ebidensiya na hinusgahan nang guilty ni Risa Hontiveros si Pastor Apollo C. Quiboloy, alamin

Ebidensiya na hinusgahan nang guilty ni Risa Hontiveros si Pastor Apollo C. Quiboloy, alamin

DUMULOG na kamakailan ang kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Korte Suprema para i-protesta ang contempt order ng Senado laban dito.

Ayon sa kampo, walang rason para sumipot si Pastor Apollo sa pagdinig ng komite ni Senator Risa Hontiveros dahil sa mapanirang pahayag ng mga fake witness nito.

Malinaw kasi mula sa mga salita ni Hontiveros sa kaniyang Senate Resolution No. 884 na hinusgahan na nitong guilty ang butihing Pastor.

Walang pasubali na nakasaad sa resolusyon na may krimen nang ginawa si Pastor Apollo dito sa Pilipinas.

At ang mga krimen ay nangyayari at ginagawa sa kasalukuyan.

Paliwanag naman ni Atty. Elvis Balayan, isa sa legal counsel ni Pastor Apollo—hindi nang-iinsulto ang kaniyang kliyente sa pagliban nito sa mga patawag ng Senado.

Dahil kung lilitaw ito sa mga hearing, siguradong ipahihiya lamang doon ang butihing Pastor.

“Kumbaga po sa boksing, ba’t ka pa lalaban sa boksing kung nakatali ‘yung dalawa mong kamay tapos alam mo naman ‘yung referee ‘yung mga judges sinabi na eh matatalo ka round 1 pa lang,” saad ni Atty. Elvis Balayan, Abogado ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sinagot din ni Atty. Balayan ang tanong na ito ni Hontiveros.

Pagtanggi ni Pastor Apollo na dumalo sa Senate hearing ni Hontiveros, ipinaliwanag

“Palaging sinasabi po ni Sen. Hontiveros na may mga Senador, matataas na ano… Presidente, mga officers ng church na nagpupunta sa Senate Committee kapag sila’y sinasubpoena,” ani Atty. Balayan.

“Mahirap po nating ipantay ‘yung mga pangyayari na nagpunta roon ‘yung matataas ang kalagayan sa ating lipunan na nagpunta roon sa Senado dahil iginagalang daw nila. Iba ho kasi ang sitwasyon noon, at iba naman po ang sitwasyon ni Pastor. Si Pastor ay talaga pong hinusgahan na. Sa tingin niyo po ba kung ating hinusgahan ‘yung mga bishop na sila ay carnapper, na sila eh may ginawang kalokohan sa gobyerno… ‘Yung mga pumunta doon na mga heneral sinabi natin na sila ay may mga ginawang karumal-dumal na krimen… Sa tingin niyo po ba ang kanilang abogado eh papayuhan sila na pumunta roon? I don’t think so po,” dagdag ni Balayan.

Diin ni Atty. Balayan, usurpation of authority ang ginagawa ni Hontiveros dahil trabaho ng hudikatura na dinggin ang mga paratang sa butihing Pastor at hindi ng Senado.

Aniya, may limitasyon ang contempt powers ng Kongreso at dapat igalang nito ang karapatan ng mga resource person.

Sa huli, giit ni Balayan na kung nagagawa ito ng Senado sa butihing Pastor na isang public figure—ay paano pa kaya tayong mga ordinaryong Pilipino.

Follow SMNI NEWS on Twitter