Economic Cha-cha, pinaboran sa unang regional consultation sa Luzon

Economic Cha-cha, pinaboran sa unang regional consultation sa Luzon

POSITIBO ang naging pagtanggap sa isinusulong na pag-amyenda sa ilang probisyon ng 1987 Constitution, partikular sa economic Charter change.

Ito ang naging pulso ng mga kinatawan mula sa private at public sector, iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, at local government officials na dumalo sa Baguio City, Mayo 17, para sa unang bugso ng regional consultations.

Kabilang na rito ang mga local chief executive ng Benguet at Baguio City.

“We’ve been the economic provisions and we don’t have any objections. So, we approved the [proposed] economic provisions,” saad ni Gov. Melchor Diclas, Province of Benguet.

“With the current landscape, our industries would be able to support an economic tract that is globally competitive, dynamic and adaptive to economic trends,” ayon kay Mayor Benjamin Magalong, Baguio City.

Samantala, bagamat pabor siya na dapat nang amyendahan ang economic provision ng Konstitusyon, mayroong hiling si Governor James Edduba ng Kalinga sa planong pagbubukas ng ekonomiya sa mga banyaga.

“Ito kung may participation itong mga foreign industries dito para mapalaki ‘yung mga resources na pwedeng ma-invest dito but please consider also kung saan nanggagaling ‘yung resources,” wika ni Gov. James Edduba, Province of Kalinga.

“For example, in the payment of taxes, imbes na sa Cordillera (LGU) babayaran, dito ‘yung mina, doon naman sa offices binabayaran ‘yung taxes namin na kung minsan hindi kami nakikinabang na dito namain iniistorbo ‘yung bundok namin, dito ‘yung kinukuha ‘yung resources namin,” dagdag ni Edduba.

Pinakinggan naman ito ng Senate panel sa pangunguna ni Sen. Sonny Angara, kasama ang ibang senador. Anila magiging prayoridad pa rin ang mga Pilipino.

“Baka kasi matakot ‘yung mga kababayan natin na binubuksan natin ang ekonomiya. It does not mean na hindi natin poprotektahan o tutulungan ang ating mga negosyong Pilipino. By all means, we want to build up our industries also dahil doon magkakaroon ng trabaho para sa ating mga kababayan,” ayon kay Sen. Sonny Angara, Chairperson, Subcommittee on RBH No.6

“Dapat po ang sambayanang Pilipino po ang makikinabang dito. ‘Yung mga mahihirap nating kababayan. Bilang mga lingkod-bayan, anumang gagawin natin dapat nakaayon sa kagustuhan ng sambayanang Pilipino,” saad ni Sen. Christopher “Bong” Go, Republic of the Philippines.

Samantala, sa panukalang pag-amyenda sa education provision, mayroong pag-aalinlangan si Gov. Edduba.

“For the education sector, I’d rather say, let it remain dito sa Pilipino kasi dito natin nabubuo kung ano ang mga moral standard nating mga Pilipino, so I think it should remain to us na dapat hindi na galawin ‘yan,” ani Edduba.

Pero para naman sa Don Mariano Memorial State University-La Union, napapanahon na rin ang pagbabago sa higher education ngunit dapat:

“Ensure there will be a strict regulatory body and procedures for the accreditation and recognition of foreign universities who would like to branch out in the country,” saad ni Atty. Allan Hil Pajimola, Campus Legal Officer, DMMMSU-La Union.

Tiniyak naman ni Sen. Bato dela Rosa na kung anuman ang kalalabasan ng isinasagawang pagdinig ay mapro-protektahan ang sektor na posibleng maapektuhan sa isinusulong na pagbabago.

“To the people of Baguio and the Cordilleras, whatever the outcome of this political exercise may be, I’ll to see it that the environment and the cultural identity of everyone is protected and at all times, respected,” ayon kay Sen. Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Layunin ng RBH-6 na amyendahan ang economic, education at advertising provisions ng 1987 Constitution.

Baguio City Mayor, may pasaring sa mga nagsusulong ng People’s Initiative

Samantala, may pasaring naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga nagpupumilit ng People’s Initiative para baguhin ang Saligang Batas:

“I would like also decry some efforts of some legislators to pursue the People’s Initiative. I believe it is purely unethical,” pahayag ni Mayor Benjamin Magalong, Baguio City.

“I also firmly believe that the process for moving these kinds of legislations forward should be aligned with what is provided in our constitution and that the core foundations of nationalism and national interest are still primarily protected and if not strengthened,” dagdag ni Magalong.

Matatandaang isa sa mga naging mainit na usapin sa bansa ang pagsusulong ng People’s Initiative kung saan sumambulat din ang alegasyong ginagamit ang pera ng gobyerno gamit ang ayuda para bilhin ang pirma ng mga Pilipino.

Kaakibat nito ang umano’y term extension ng mga nakaupo ngayon sa Marcos admin.

Bagay na tinututulan ng mayorya ng mga Pilipino kabilang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI News on Rumble