Economic cooperation ng North Korea at Russia, mas palalawakin pa

Economic cooperation ng North Korea at Russia, mas palalawakin pa

PALALAWAKIN pa ng North Korea at Russia ang kanilang kooperasyon sa larangan ng ekonomiya.

Ito ang napagkasunduan ng senior trade officials ng Pyongyang at Moscow kasunod sa ginawa nilang pagpupulong ngayong linggo.

Sa kasalukuyan, sa Russia lang madalas nakikipag-ugnayan ang North Korea at naiulat pa nga na sila ang nagsusuplay sa Moscow ng armas sa gitna ng nagpapatuloy na Ukraine war.

Ngunit kahit naiulat na ito ay nananatiling walang komento ang Pyongyang kung totoo nga bang supplier sila ng armas sa Moscow.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter