BINISITA ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. at iba pang opisyal ng militar ang Lal-lo, Cagayan ngayong umaga.
Isa ito sa apat na karagdagang EDCA sites na napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ininspeksiyon ni Brawner ang itinatayong EDCA Facility.
Ito ay upang makita ang potensiyal ng pasilidad bilang suporta sa Humanitarian and Disaster Relief (HADR) activities ng dalawang magkaalyadong bansa.
Paunang aktibidad din ito bago magpulong ang mga opisyal ng Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB) sa Camp Aguinaldo sa ngayong linggo.