IPINAPA-recall ng Singapore Food Agency (SFA) ang Ego Honey Dates na gawa ng China matapos na-detect ang mataas na sulphur dioxide level dito.
Ayon sa food regulations ng Singapore, lumampas na ito sa maximum limit.
Ang lahat na apektadong batch ng 200 grams Ego Honey Dates ay may expiration date na November 18, 2024.
Posibleng makararanas ng hives, pangangati, pananakit ng tiyan, diarrhea at pagsusuka ang sinumang makakakain ng pagkaing may mataas na sulphur dioxide.