INANUNSIYO ng Palasyo na gaganapin ngayong Abril 1, 2025, ang selebrasyon ng Eid’l Fitr—The Feast of Ramadan ng mga Muslim ngayong taon.
Sa Proclamation No. 839, na inilabas nitong Huwebes, binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 9177 na nag-aamyenda sa Section 26 Chapter 7 ng Executive Order No. 292 na nagdedeklara bilang isang regular holiday ang Eid’l Fitr sa buong bansa.
Nito lamang Marso 20, nilagdaan ng punong Ehekutibo ang Proclamation No. 893 na nagtatakda ng holiday bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga Filipino-Muslim sa bansa.
Ang nasabing rekomendasyon ay nagmula sa National Commission on Muslim Filipinos o NCMF. Iminungkahi nito na ang Marso 31 o ang Abril 1 ay gagawing isang pambansang holiday.
Ang pagdedeklara ng holiday ay bahagi ng pagpapahalaga sa kultura’t kontribusyon ng mga Muslim at isang paraan para maitaguyod ang pagkakaisa at pag-unawa sa iba’t ibang relihiyon, kultura, lipunan at maging sa ating bansa.
Follow SMNI News on Rumble