EJ Obiena, nagpasalamat sa PATAFA at PSC dahil sa pag-reinstate nito sa kanya sa national team

EJ Obiena, nagpasalamat sa PATAFA at PSC dahil sa pag-reinstate nito sa kanya sa national team

NAGPASALAMAT ang world no. 3 pole vaulter na si EJ Obiena sa Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA) dahil sa pag-reinstate nito sa kanya sa national team.

Ayon kay Obiena, bagaman handa siyang lagpasan ang naging isyu nila sa pagitan ng PATAFA at PSC ay naniniwala siyang walang mali sa kanyang sinabi maging ng Commission on Audit (COA) at ng taumbayan.

Dagdag ni Obiena, napatunayan na rin niya maging ng kanyang teammates ang kanilang dedikasyon sa naging performance nila sa world stage at kauna-unahang World Championship Medal.

Sa huli ay sinabi ni Obiena na handa na siyang sumabak pa sa pag-eensayo upang makapagbigay pa ng tagumpay sa mahal niyang Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter