WALANG nagawang bago, ‘yan ang naging pahayag ng ekonomistang si Dr. Michael Batu sa panayam ng SMNI batay sa kaniyang mga naging obserbasyon sa administrasyon ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Aniya, puro lang pamumudmod ng pera o ayuda ang ginagawa ng pahalalaan na hindi naman nakakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya.
Kung puro ayuda lang din aniya ang tinatanggap ng mga Pilipino at hindi umunlad bilang isang productive citizen—ay nagiging palpak ang gobyerno.
“If households continue to receive assistance from the government hindi sila gumagraduate dyan that is a clear demonstration of failure of the government in addressing issues like poverty, issues on quality of jobs that are being created and also issues related to prices of basic commodities. The fact na hindi sila gumagraduate sa ayuda ‘yan ay indikasyon na bigo ang ating gobyerno,” saad ni Dr. Michael Batu, Ekonomista.
Ayon kay Dr. Batu sa pamumuno lamang ni Marcos Jr. nangyari ang ganitong klaseng estratehiya ng pamamahala dahil kung ikukumpara aniya sa mga nagdaang administrasyon halimbawa kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay tanging 4Ps lang pero ngayon ay nagsulputan na parang kabuti ang mga ginagawang ayuda.
Dapat aniya ng pamahalaan ay tutukan ang pag-invest sa human capital—ibig sabihin mas bigyang pansin ang pagbibigay training sa mga Pilipino upang mahasa ang kanilang mga kakahayan nang sa ganon ay hindi maging dependent ang mamamayan sa ayuda ng pamahalaan.
Sa usapin naman ng isyu ng kagutuman at isyu ng mga walang trabahong Pilipino, naguguluhan aniya ito sa mga pahayag ng pamahalaan.
“’Yung sinasabing more than 50% ng ating mga kababayan ay naghihirap ito ay ayon sa pinaka-latest na survey nabasa ko yan admar eh. This is really bothersome very bothering bakit? Kasi sinasabi ng gobyerno na ang ating inflation ay mababa na ang unemployment mababa mas maraming trabaho na nalilikha and yet more than 50% of the population is saying that they are poor na mahirap sila ah malaking porsyento din ang nagugutom so ano eh parang hindi connected nakikita natin dun sa actual na datos versus dun sa nirereport ng gobyerno na improvement sa ating ekonomiya,” ani Batu.
Isang ekonomista, bilib sa gagawing panukala ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy
Samantala, bilib naman si Dr. Batu sa mga inilatag na panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy patungkol sa gagawin nitong solusyon sa kahirapan at ekonomiya ng bansa.
Aniya, mas makatotohanan ang gagawin ng Butihing Pastor dahil mas magiging produktibo ang isang indibidwal dahil tutulungan itong makatayu sa sariling paa.
“Maganda ‘yang panukala ni Pastor kasi ang puno’t dulo nyan is how to improve human capital. Kasi ang reason kung bakit ang isang manggagawa o isang tao ay hindi makahanap ng trabaho or hindi siya maka-advance sa kanyang buhay halimbawa ‘yung tinatawag na social mobility, hindi nya ma-reach mataas na kalidad ng buhay kasi nga kulang ‘yung kanyang human capital. So, ‘yung human capital that can be in a form of education or skills and ‘yung kalusugan nung tao mismo. So, yung grocery halimbawa isa sa mga reason kung bakit ang ating mga mahihirap na kababayan ay hindi maka-access ng training halimbawa eh kasi sila’y gutom mas uunahin pa na kung ibili ito ng pagkain kaysa sa i-spend ito sa pag te-training.”
“Sa pamamagitan ng interbensyon na ‘yan na bibigyan mo sila ng grocery habang sila ay nag-aaral habang sila ay nag-iimprove ng kanilang human capital na-address mo na ‘yung isang issue, ‘yung isang aspeto ng human capital which is ‘yung kalusugan ng tao.”
“It addresses both these issues which ang pinaka-objective nito is for the individual to achieve a better quality of life thru improvement or investment in human capital, so ‘yun ‘yung nakikita natin dito sa programa ni Pastor,” paliwanag ni Batu.
Ilan nga sa mga pangunahing panukala ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay mapabuti ang pamumuhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng paglinang ng kanilang mga kaalaman at kahusayan sa paggawa upang sa ganun ay maging kapaki-pakinabang ang isang indibidwal at hindi lang palaasa sa gobyerno.
At ang weekly grocery assistance program para sa mga low-income families at free meals program sa mga komunidad na may mataas na poverty incidence.