MULING mababawasan ang presyo ng produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes Mayo 14, 2024.
Sa abiso sa Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, 2 piso ang matatapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Habang 50 sentimos naman ang bawas-presyo sa diesel at 85 sentimos naman sa kada litro ng kerosene.
May kaparehong bawas din sa presyo ng gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz, at ilan pang kompanya ng langis.
Epektibo naman ang price rollback ng alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-dose uno ng hatinggabi.