El Niño, maaaring magsimula sa susunod na linggo—PAGASA

El Niño, maaaring magsimula sa susunod na linggo—PAGASA

PINANGANGAMBAHAN ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pasisimula ng El Niño sa susunod na linggo.

Sa kasalukuyan itinaas na ng PAGASA ang El Niño alert dahil nakikitaan ng nasa 70% na tsansa na magsimula na ang phenomenon.

Inaasahang magsisimula ang El Niño sa kasagsagan ng climate forum sa susunod na linggo o sa huling Miyerkules ng linggo.

Ang El Niño ay isang gawi ng klima na nangyayari sa kahabaan ng tropikal na Karagatang Pasipiko na maaring magdulot ng mataas na temperatura at malawakang tagtuyot na nagiging sanhi ng iba’t ibang suliraning agrikultural, sakit at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter