Election-related incidents sa katatapos na BSKE, umakyat na sa 47—PNP-PIO

Election-related incidents sa katatapos na BSKE, umakyat na sa 47—PNP-PIO

LUMUBO pa sa 47 ang bilang ng naitalang election-related incidents mula sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nitong Oktubre 30, 2023.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) acting Chief PCol. Jean Fajardo sa panayam nitong araw ng Huwebes, Nobyembre 2, 2023.

Batay sa pinakahuling tala ng PNP, umakyat na sa 247 ang bilang ng election-related incidents.

Mula sa nasabing bilang, 47 dito ang validated kung saan pinakamarami ay nanggaling sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may 16 na insidente, sinundan ito ng Region 10 na may 13 cases at Cordillera Region.

Nakapaghain na rin ang PNP ng mga kaukulang kaso laban sa mga sangkot dito kung 35 dito ang under investigation habang 10 naman ay nairekomenda na sa prosecutor.

Ang kasalukuyang bilang ng election related incidents ay mas mataas kumpara sa BSKE 2018 na mayroong 40 validated election related incidents.

Nauna nang ikinatuwa ng PNP katuwang ang iba pang deputized agencies ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa maayos na pagtatapos ng nasabing halalan at walang failure of elections bukod sa mga insidente ng pamamaril sa Bangsamoro Regions na agad ding naaksiyunan ng mga awtoridad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter