ITINALAGA bilang official ambassadors ng International Volleyball Federation (FIVB) Men’s Volleyball World Championship Philippines 2025 sina Eya Laure at Bryan Bagunas ng Alas Pilipinas.
Inanunsyo ito ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) nitong Martes, March 4, 2025, sa isang event sa Taguig.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maging host country ng FIVB ang Pilipinas.
Sa magiging world tournament naman sa Setyembre, nasa 32 teams mula sa iba’t ibang bansa ang sasali rito.
Samantala, ang indie folk-pop band na Ben&Ben, sa pamamagitan ng kanilang kantang Triumph, ay ang magiging official music partner ng FIVB Men’s Volleyball World Championship.