Facebook, maybago nang pangalan

Facebook, maybago nang pangalan

MAYBAGO ng pangalan ang Facebook na tatawaging “meta” ayon sa naging pahayag ng kompanya kamakailan.

Sinabi ng CEO na si Mark Zuckerberg na sa halip na social media services, ang bagong pangalan na ito sumasalamin aniya sa mga ambisyon nito na bumuo ng metaverse.

Ang metaverse ay isang terminolohiyang nagmula sa isang dystopian novel na tumutukoy sa ideya ng isang shared virtual environment na maaaring ma-access ng mga taong gumagamit ng iba’t-ibang bagay o device.

Naglabas din ito ng bagong sign sa punong tanggapan nito sa California, na pinapalitan ang thumbs-up logo na “like” sa asul na infinity shape.

Samantala, ginawa ang rebranding na ito ng social media giant sa gitna kinakaharap na kritisismo mula sa mga mambabatas at regulator dahil umano sa market power at ang mga pang-aabuso sa mga platform nito.

Matatandaan na ang whistleblower at dating empleyado ng Facebook na si Frances Haugen ay nag-leak ng mga dokumento na sinasabing mas pinili ng kumpanya ang kita kaysa sa kaligtasan ng gumagamit.

Tugon naman ni Zuckerberg na ang mga nasabing dokumento ay ginagamit lamang upang magpinta ng isang “masamang imahe.”

SMNI NEWS