ISINAGAWA muli ng Valenzuela City ang kanilang regular family-oriented program na “Family Time Na!”.
Nitong April 30, 2023 sa Valenzuela City library isinagawa ng lungsod ang aktibidad.
Maraming mga pamilya naman sa Valenzuela ang dumalo.
Layunin ng lokal na pamahalaan ang mapalakas ang ugnayan ng mga pamilya sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad gaya ng coloring, book reading, card games at iba pa.