MAGSASAGAWA ng “Fate Plus” world tour ang K-pop boy group na ENHYPEN at ang schedules na inanunsiyo ay gaganapin sa Estados Unidos.
Ang kick-off ay sa Abril 24, 2024 sa Oakland at magtatapos ito sa Mayo 3 sa UBS Arena, Belmont Park.
Sa “Fate” world tour nito ay Pilipinas ang huling stop noong Pebrero 3.
Ang encore concert naman ng grupo ay gaganapin sa Seoul, South Korea ngayong Pebrero 24 – 25 bago magsisimula ang “Fate Plus”.