FEU, tanggal na sa final four contention matapos na talunin ng Adamson University

FEU, tanggal na sa final four contention matapos na talunin ng Adamson University

SA unang pagkakataon simula taong 2012 ay hindi na makakapasok ang Far Eastern University (FEU) sa final four ng UAAP matapos itong talunin ng Adamson University sa naging laban nito.

Tinalo ng Adamson Soaring Falcons ang Tamaraw sa second round game ng Season 85 ng UAAP sa Mall of Asia Arena na nagtapos sa iskor na 75-70.

Naging mainit ang laban sa dalawang koponan at nahirapang manalo ang Soaring Falcons sa Tamaraw sa kabila ng lamang nitong 27-4 points sa unang bahagi ng laban.

Bagaman lumapit ang iskor ng Tamaraw ay hindi na nito nagawang makabawi pa sa Falcons upang makuha ang ika-siyam nitong talo at apat na panalo ngayong season.

Samantala, gumanda ang standing ng Falcons na may 6-6 record na kapareho ang De La Salle University para sa huling puwesto sa final four.

Pinangunahan ni Jerom Lastimosa ang Soaring Falcons na nakapagbigay ng 23 points sa 7-10 shooting nito kabilang ang 5 three-pointer.

Sinundan naman ito ni Lenda Doung na may 18 points habang may double-double performance naman si Cendrick Manzano na may 10 points at 13 rebounds.

 

Follow SMNI News on Twitter