Voter’s registration sa isang mall sa Pasay City, nagpapatuloy

Voter’s registration sa isang mall sa Pasay City, nagpapatuloy

PATULOY pa rin ang voter’s registration sa isang mall sa lungosd ng Pasay kung saan limitado lamang  sa 300 ang pinapayagang ng Comelec na makapag parehistro ngayong-araw.

Ayon kay Pasay City Comelec Atty. Ronaldo Santiago magpaptuloy ang voters registration sa naturang mall hanggang September 30, 2021 o ngayong huwebes na lamang.

Magsimula ang voters registration sa SM mall of Asia mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ngayong araw.

Matatandaan unang binuksan ang voter’s registration para sa kasalukuyan buwan nito lamang September 11, 2021.

“This is not the first time that we have mall registration. We started doing it in 2016, and it has been proven to be a successful model, and we hope to continue doing it,”ayon kay James Jimenez.

Kahapon dahil sa kagustuhang makahabol sa deadline ng voter’s registration ang mga residente ng Pasay nagdagsaan sa Mall of Asia (MOA) ang mga humabol sa voter’s registration mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ng Pasay.

Dahil dito nalabag ang health protocols na ipinatutupad ng IATF kung saan nagkaroon na ng dikit dikit sa pila na walang social distancing.

Pinagbawalan ng management ng mall ang mga media na kumuha ng photo or video sa mismong lugar kung saan nakapila ang nais magparehistro pero hindi nagtagal pinayagan pa rin ang mga ito.

Sa ngayon, kinukunan pa ng pahayag si Atty. Ronaldo Santiago hinggil sa nagpapatuloy na pagdagsa ng mga nagpaparehistro sa naturang mall.

SMNI NEWS