Filipina jiu-jitsu fighter, nanguna sa AJP Tokyo Grand Slam

Filipina jiu-jitsu fighter, nanguna sa AJP Tokyo Grand Slam

NAKAMIT ni Filipina jiu-jitsu fighter Dani Palanca ang gintong medalya matapos itong nanalo sa 49-kilogram purple belt category sa naganap na AJP Tokyo Grand Slam sa Japan.

Sa event, natalo ni Palanca si Aysha Abdulla Zuwaid Alshamsi ng United Arab Emirates.

Bago paman ito, nanalo na si Palanca laban kay Anna Wang ng Australia sa quarterfinals at kay Buyanjargal Nasanjargal ng Mongolia sa semifinals.

Samantala, bukod kay Palanca, nakuha ni Alphonso Raphael Morales ang silver medal sa 56-kilogram division ng Men’s G.I. Brown Belt Category.

Habang si David Mendoza ay nagtapos sa ikaapat na puwesto sa 120 kilogram division.

Si Raymond Varilla ay nagtapos naman sa ikapito na puwesto sa Men’s G.I. Black Belt Middleweight Division.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble