Filipina Weightlifter Vanessa Sarno, gumawa ng bagong Philippine record sa snatch category

Filipina Weightlifter Vanessa Sarno, gumawa ng bagong Philippine record sa snatch category

BINURA ng Filipina weightlifter na si Vanessa Sarno ang kaniyang sariling record sa snatch category sa pagsabak nito sa women’s 71 kilograms event ng I-W-F World Cup sa Phuket, Thailand.

Nakabuhat ito ng 110 kilograms na mas mataas sa unang Philippine record nito na 108 kilograms noong nakaraang taon.

Maliban sa new record, nagawa ring mag-qualify ni Sarno sa 2024 Paris Olympics matapos makapagtala ng total lift na 245 kilograms matapos makabuhat ng 135 kilograms sa clean and jerk.

Sa kabilang banda, bigo namang makakuha ng spot sa Paris Olympics si Kristel Macrohon matapos makabuhat lamang ng 233 kilograms.

Bukod kay Sarno, una nang nakakuha ng Olympic Berth sa weightlifting sina John Ceniza, Elreen Ando, at Rosegie Diaz.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble