IKINALUNGKOT ng Filipino fans ni Taylor Swift ang naging anunsiyo nito na ang tatlong concert lang niya sa Singapore sa 2024 ang tanging Southeast Asian leg ng kaniyang “The Eras” tour.
Sa Twitter nagkalat ang naging reaksiyon ng fans kung saan sinabi ng karamihan na natalo na ang Pilipinas sa laban.
Marami rin ang nag-Tweet ng crying scene mula sa “All Too Well” 10-minute version ni Taylor bilang pahiwatig sa kanilang kalungkutan.
Ang actress na si Maine Mendoza ang isa sa fans na nagpahayag ng kalungkutan.
Samantala, marami na rin ang nagplanong pumunta na lang sa Singapore para doon manood ng concert ng American singer-songwriter.