Magandang education system ng Singapore, ibabahagi ni VP Sara sa SEAMEO

Magandang education system ng Singapore, ibabahagi ni VP Sara sa SEAMEO

IBABAHAGI ni Vice President at Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte sa buong miyembro ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) ang magandang education system ng Singapore.

Kasunod ito sa kaniyang pagbisita sa naturang bansa batay sa post ng pangalawang pangulo nitong Hunyo 13, 2023.

Sinabi ni VP Sara, layunin ng SEAMEO na maiangat ang antas ng edukasyon sa buong Southeast Asian Region lalong-lalo na sa Pilipinas.

Bilang Education Sec. naman ng Pilipinas ay inilunsad ni VP Sara sa pamamagitan ng DepEd ang “Matatag: Bansang Makabata, Batang Makabansa” program.

Layunin ng programa ang maresolba ang hamon na hinaharap ng basic education sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter