HINDI pa rin pinapahintulutan ang first-time Overseas Filipino Workers (OFWs) na magtrabaho sa Kuwait ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, limitado muna ang ipapadala doon na OFWs.
Sa katunayan, 2.5K lang sa kasalukuyan ang mga Pilipinong nasa nabanggit na middle eastern country.
Matatandaang nilimitahan ng DMW noong taong 2023 ang deployment ng OFW sa Kuwait dahil sa pagkasawi ng domestic helper na si Jullebee Ranara.
Bilang tugon nito ay sinuspinde rin ng Kuwaiti government ang pag-issue ng visas sa mga Pilipino.
Noong Hunyo 2024 lang nang ito ay alisin ng Kuwait.