Flash floods, landslides sa Vietnam, kumitil ng buhay sa hindi bababa sa 8 katao

Flash floods, landslides sa Vietnam, kumitil ng buhay sa hindi bababa sa 8 katao

NASAWI ang hindi bababa sa 8 katao sa Vietnam dahil sa nangyaring flash floods at landslides.

Kasunod ito ng malalakas na pag-uulan sa naturang bansa kamakailan lang.

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng mga nasawi ay sa northern province ng Yen Bai, Lai Chau, Son La at Thai Nguyen.

Daan-daang kabahayan at mga pananim naman ang nasira dahil sa pagguho ng lupa at natumbang mga puno.

Samantala, tatlong pulis at isang sibilyan naman sa bayan ng Dalat sa Central Highlands ang natabunan ng gumuhong lupa noong Hulyo.

Follow SMNI NEWS on Twitter