IKINOKONSIDERA ng Regional Development Council in Central Mindanao at ng Mindanao Development Authority na magkaroon ng foreign donors para sa kanilang flood control projects.
Lalong-lalo na anila sa mga proyekto sa loob ng Mindanao River Basin Area.
Aminado ang Regional Development Council na limitado ang kanilang funding sources lalo na’t bilyun-bilyon ang halaga ng kanilang mga proyekto.
Kung maisasakatuparan naman ang mga proyekto ay masosolusyonan na ang mga pagbaha sa ilang lugar sa Cotabato at Maguindanao del Sur.