NAHAHARAP sa istriktong quarantine measures ang mga Foreign researchers sa bansang Japan.
Kinakailangang sumunod sa mas mahigpit na quarantine rules ang mga dayuhang mananaliksik na tinanggap kamakailan ng Affiliated Institution ng bansang Japan.
Mahigit 50 na mga Foreign researchers, sa ilalim ng programa ng Japan Foundation ang inabisuhang hindi maaaring lumabas sa loob ng labinlimang araw mula sa kanilang hotel rooms matapos na sila ay dumating sa bansa para sumailalim sa mas istriktong quarantine measure.
Ang Japan Foundation na kaanib ng Japanese Foreign Ministry ay naglunsad ng cultural exchange programs at nag-aanyaya ng mga estudyante mula sa ibang bansa.
Ang mga estudyante ay dumating sa bansa noong Oktubre 28 nitong taon at tumuloy sa isang hotel malapit sa Narita International Airport para sa kanilang quarantine.
Kinakailangan namang pumirma ng mga estudyante sa isang written oath na nagsasabing hindi sila maaaring lumabas, maglakad-lakad, o mag-grocery shopping at mananatili lamang sa mga nakatalagang kwarto na inihahambing naman ng ibang mga iskolar na isang luxury jail.
Sinabi ng ibang estudyante na ang istriktong hakbang na ito ng Japan ay isang malalang kaso ng racism; habang ang iba naman ay inilalarawan ito na isang xenophobia, naibig sabihin ay may takot o galit sa mga banyaga.