PORMAL nang ipinakilala ng Board of Directors ng WeEvolve Marketing Corporation ang Multi-awarded Humanitarian, Businessman at Founder ng Team Advocate Change Club, Doctor Alvin Sahagun bilang kanilang bagong Presidente.
Ang WeEvolve, ay bagong direct selling company sa Pilipinas na dinisenyo at nilikha bilang solusyon upang mabago ang kalakaran ng Network Marketing Industry sa bansa.
Product based ang naturang kompanya, na may very unique at sustainable business plan.
Sa ginanap na pagtitipon kasama ang mga Board of Directors, ilan sa mga top leaders sa Pasig City kamakailan lang ay mainit ang pagtanggap nila sa bagong Presidente na si Dr. Alvin Sahagun at itinuturing nila itong malaking impact dahil sa kanyang malawak na kaalaman at karanasan sa larangan ng pagnenegosyo.
Naroon sa pagtitipon sina Mr. Roy Cueto, Chairman ng WeEvolve Marketing Corp; Mr. Marco Mallari , Vice chairman; Mr. Ruwell Unabia, COO/CFO; Mr. Jogui Guillermo, VP for Business Development; Ms. Corazon Quizon, VP for Ethics and Communication; Mr. Ryan Tomada, VP for Online Marketing.
Kasama rin ang mga top earners na sina Nolan dela Peña na taga-Batangas, Rex Campana na taga-Cavite, Jinky Quizon at Lenie Amarante na taga-Quezon City.
Hindi lingid sa kaalaman ng maraming Network Marketers ang iba’t ibang kompanya ng pinanggalingan ni Doc Vince Sahagun bilang isang distributor at upline o Grand Mentor.
Marami na rin itong naging resulta.
Sa tagal niya sa industriya, nabuo nga ang Team Advocate Change Club na kinabibilangan ng daang-libong miyembro na solid din ang suporta at tiwala sa kanya.
Para sa nais matuto ng Social Entrepreneurship Training mula kay Doc Vince Sahagun, maaari kayong mag-PM sa kanyang FB Account: Vince Sahagun at nakahanda itong tumulong.
Para sa dagdag katanungan sa Livelihood at Opportunity na hatid ng WeEvolve ikontak ang sumusunod na mga numero: 09157184717 at 09214617050.